TUPAD AID NAIPAMAHAGI SA MGA MANGGAGAWA SA BAGUIO!

0
16

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

BUMISITA si Secretary Silvestre H. Bello III, ng Department of Labor and Employment at mga senior officials ng DOLE sa Lungsod ng Baguio upang pangunahan ang pagbibigay ng sahod sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers Program (TUPAD) noong Disyembre 11, 2020 sa Baguio City.

Mayroong 1,174 displaced informal sector workers mula sa lungsod ang nakatanggap ng buong bayad sa kanilang sahod sa Baguio City Convention Center noong Disyembre 11, 2020.

Sa panahon ng payout ceremony, nasaksihan ni Kalihim Bello ang pamamahagi ng tulong sa mga manggagawa.

Bawat isa sa kanila ay kumita ng P5,250 sa loob ng 15 araw sa ilalim ng programang TUPAD na sinaksihan din nina Bise Mayor Faustino Olowan at Kongresman Marquez Go.

RIVER RANGERS PINAKILOS NG DENR PARA SA BAMBOO PLANTING SA ANGONO RIVER BANKS

Pinakilos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) CALABARZON sa pamamagitan ng kanilang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa Rizal ang 145 river rangers upang tumulong sa pagtatanim ng kawayan sa kahabaan ng banks ng Angono River sa Barangay San Isidro, Angono, Rizal noong Disyembre 2.

Umabot sa 1,000 bamboo culms ang naitanim sa tinatayang dalawa hanggang tatlong kilometrong stream bank bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang river system.

Magsasagawa rin ng bamboo planting sa mga ilog ng Boso-Boso, Taytay at Teresa, Rizal.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here