Tiamzon namigay ng pamasko sa Taytay

0
16

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Walang humpay pa rin sa pagtulong at pagseserbisyo ngayong taon ng pandemya si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon lalo na sa mga kabataan.

Kasama ang kanyang Spike and Serve Philippines Inc., personal na pinuntahan ng BanKo Perlas Spiker open hitter mga estudyante sa Taytay, Rizal upang maghandog ng mga regalo.

“And we’re done for the After-School Program of Spike and Serve GDP Taytay for this year! These players started joining us virtually last August and we’re so happy that they finished our program this year! They are the first batch recipients of our Volleyball Essentials ,” caption ni Tiamzon sa Instagram post Biyernes.

“I hope you guys can use it well at your home especially we can’t still train physically,” dugtong pa ng 25-year-old, 5-foot-6 volleybelle, na namahagi ng bola, yoga mat at ilan pang mga kagamitan sa sport.

Pasalamat din si Tiamzon sa mga tumulong sa kanilang proyekto at hindi na makapaghintay pa para sa pagpapatuloy ng kanilang sesyon sa susunod na taon. (Janiel Abby Toralba)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here