Suporta sa World Day of the Poor isinulong ng Senado

0
24

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Pinagtibay nitong Lunes ng Senado ang isang resolusyon na nagpapahayagang buong suporta para sa pagdiriwang ng World Day of the  poor 2020 na kinilala ang ibinahaging responsibilidad sa promosyon ng katarungang panlipunan para sa mahihirap.

Sa pahayag, sinabi ng Senador na nangako ang Senado sa Senate Resolution No. 550 na inihain ni Senador Risa Hontiveros na patuloy itong kikilos para sa mahihirap sa pamamagitan ng pagtatakda ng patakaran na magtatapos sa kahirapan sa bansa sa lahat ng porma.

Sinabi ni Hontiveros na isang ideya ni Pope Francis ang World Day of the Poor sa konklusion ng   Jubilee for the Socially Excluded People upang tulungan ang mga Christian communities na “reflect on how poverty is at the very heart of the Gospel and that as long as Lazarus lies at the door of our homes (Ref. Luke 16:19-21), there can be no justice or social peace”.

“Pope Francis, during the first observance of the World Day of the Poor in 2017, has encouraged everyone to do good deeds that will lead to the “true encounter with the poor and a sharing that becomes a way of life,” aniya.

Idinagdag pa ng senador na noong 2018, tinanong ni Pope Francis ang lahat na magsagawa ng seryosong pagsusuri sa ating konsiyensiya, at tignan kung talagang may kakayahan tayong dinggin ang sigaw ng mahihirap, sagutin ang kanilang hinain na mayroon pagmamahal at tulungan sila at maging instrument upang wakasan ang kahirapan at gawin silang ganap na bahagi ng lipunan.

“This year’s World Day of the Poor is important because it reminds those of us in government and the public, as well, regardless of faith, that we need to sustain our compassion to help the poor and the enthusiasm to stretch forth our hand to them, now more than ever, as hundreds of thousands of people have been infected by Covid-19, millions who have lost their incomes and jobs, and many more who considered themselves poorer and hungrier than before, sliding back into poverty,” ayon kay Hontiveros.

“The World Day of the Poor 2020, which will take place on November 15, 2020, is an invitation to prayer and solidarity with the poor who are suffering, and an expression of commitment to care for them and their many needs, unconditionally,” aniya. Ernie Reyes

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here