Sumisid sa ilog, bangkay na lumutang

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Bangkay na nang matagpuan ang isang 17-ayos na binatilyo sa loob ng isang barge matapos na lumangoy ito sa ilog sa Kawit, Cavite.

Hinihinalang may ilang oras ng patay ang biktimang kinilala lang sa alyas `Jhon’ taga-Brgy. Gahak, Kawit.

Sa ulat ni Patrolman Troadio Balitaosan ng Kawit Municipal Police Station, nakita pa ang biktima na lumangoy sa ilog na sakop ng Brgy. Ganak dakong alas-dos kamakalawa ng hapon.

Makalipas ang 20 minuto ay hindi na nakita ang binatilyo hanggang sa natagpuan na lang ang bangkay nito sa loob ng barge dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon.

Patuloy pa ang pag-iimbestiga ng pulisya sa insidente para malaman kung ano ang ikinamatay ng binatilyo. (Gene Adsuara)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here