Sarhento nilikida sa Cebu

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Todas ang isang pulis nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in sa Toledo City, Cebu.

Dead on the spot si Police Staff Sergeant Gerfil Opena Geolina, 44, nakatalaga sa Toledo City Police Station. Sa ulat, alas-nuebe Huwebes ng umaga nang makarinig ng mga putok ng baril ang mga residenteng nakatira sa Purok Manga Brgy. Dumlog.

Nang tingnan ang pinanggalingan, nakita nilang nakabulagta na ang pulis. Isang motorsiklo lulan ang dalawang hindi pa kilalang mga salarin ang mabilis na tumakas sa lugar.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng pulisya kung ano ang motibo ng pamamaslang gayundin ang posibleng pagkilala sa mga suspek. (Edwin Balasa)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here