SALAPI SA SIMBANG GABI AT KAPASKUHAN

0
11

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

NAMAMASYAL ang ating Uzi sa mga Katoliko at Aglipayanong simbahan sa kanilang pagsasagawa ng misa kaugnay ng Simbang Gabi.

Unang nakita niya ang pagsunod ng mga tao sa social distancing at pagsusuot ng face mask.

Mangilan-ngilan ang walang face shield.

Mismong ang mga nagsisimba ang gumagawa ng paraan na masunod ang mga minimum na health protocol na ito.

Hindi na kinakailangan ng obispo, pari at sakristan o ng mga manang na pagsabihan ang mga tao.

Ito ang malinaw na halimbawa ng sinasabi ng pamahalaan na malaki ang papel ng mga mamamayan sa giyera sa COVID-19.

Maraming salamat po sa inyo.

SIMBANG GABI NA

Maiiba kaya ang sitwasyon ngayong Simbang Gabi na sinisipag ang mga tao na magsimba?

Sa Simbang Gabi kasi, sa mga nakaraang taon at wala pang pandemya, masahol pa sa sardinas ang siksikan ng mga nagsisimba.

Siksikan na ang mga may edad, may bitbit pang mga baby at menor-de-edad.

Kasama kasi sa diwa ng Pasko ang nakamulatan at turo ng Bibliya na ipinanganak sa sabsaban si Jesus kaya karay-karay ng mga magulang ang kanilang mga sanggol at maliliit na anak sa pagsisimba.

May misteryo at saya silang nadadarama kung matalsikan sila ng holy water na binabasbas ng mga pari sa lahat ng nagsisimba.

Sana naman, mapanatili pa rin ang pagsi-Simbang Gabi nang may minimum health protocols at huwag isama ang mga bata at senior citizen.

Habang tinitipa natin ito, heto ang isang sumbong.

May health protocol nga sa loob ng mga simbahan, sa labas naman, kahit sa mga dingding ng mga ito, kumpol-kumpol ang mga nagsisimba.

Totoo kaya ito, ha?

Dapat bantayan ‘yan at ipakiusap sa kanila na huwag lumabag sa batas sa COVID-19!

PAANO SILANG SENYOR SA LIDERATO NG SIMBAHAN?

Ang isang tanong: Paano ang mga matatandang pari, manang na kolektor, assistant sa misa na matatanda gaya ng mga miyembro ng Knight of Columbus?

Marahil pagbawalan na ang mga matatandang pari na magmisa at kung payagan man sila, sa zoom na lang sila sasali.

Ganito rin dapat kina manang kolektor, matatandang lider ng mga organisasyon at menor-de-edad na sakristan, bell boy at iba pa.

Dapat na gumawa ang mga lider ng simbahan ng paraan para makapagtayo ng mga zoom o katulad nito na paraan ng pagmimisa na roon sasali sina manang, mga lay minister, sacristan at bellboy.

O kaya’y daanin na lang sa mga telebisyon, radio at social media ang pagmimisa para sa mga ito.

COVID-19 WALANG SINASANTO

Walang sinasanto ang COVID-19.

‘Yun bang === Huwag nilang hintayin na may matamaan ng COVID-19 gaya ng nangyari mismo kay Cardinal Luis Tagle at iba pa.

Huwag nilang gawin ang katwirang “if COVID-19 is everywhere, God also is everywhere!”

Sa katwirang ito nagkandapeste-peste ang maraming Pastor, Rabbi, Ministro at Pari sa United States.

Kabilang sa mga kamamatay lang si Bob Bryant ng Water of Life Community Church sa Fontana sa Southern California.

Ipinagbabawal doon ang pagsamba nang maramihan at kung pupwede ay sa labas pero binalewala niya ito.

Hayun kinuha na siya ni Lord at naidagdag sa  mahigit nang 70 rabbi ng mga Israelita, paring Katoliko, at iba pang mga Obispo at ministro na namatay sa COVID-19 na naiulat noong Mayo 2020.

Huwag po tayong gumaya sa mga ito.

KAILANGANG TALAGANG MAGPA-SIMBANG GABI

Sabi ng ating Uzi na gumagala-gala ukol sa Simbang Gabi at Kapaskuhan, umamin ang ilang pari, pastor at ministro na nakausap nito na kapos sa salapi ang kani-kanilang mga simbahan dahil sa pandemya.

Tulad ng lahat, nagbabayad din umano sila ng kuryente, tubig, sahod sa mga empleyado at iba pa na puro delayed na.

At dapat din silang kumain, magkaroon ng kasuotan, magandang kalusugan at iba pa.

Para sa mga may-asawa na pari, ministro at iba pa, kailangan din nila ang panggastos sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Kung magpapatuloy na sarado umano ang mga simbahan at bawal ang magsagawa ng mga sakramento, kasama ang pagmimisa, may krisis sa pananalapi mismo hindi lang ang simbahan nila kundi maging ang mga pari, pastor, ministro at iba pa.

Sa US, kinakailangan mo umanong magdeklara ng pagkabangkrap para magkaroon ng batayan ng hindi pagpapasahod sa mga empleyado at konsiderasyon sa pagbabayad ng mga tubig, ilaw at iba pa.

At upang mabigyan ka ng pagkakataon na makabangon muli.

Dito sa Pinas, hindi uso ang deklarasyon ng bankruptcy.

Pero malinaw raw na kung walang pera, “no money, no honey” lalo na sa mga pari o pastor o ministrong may-asawa.

Magtanong na lang din kayo kung totoo.

SIMBANG GABI: ROOT OF MONEY

Ang pagdaos ng simba o pagsamba ang isang pinag-uugatan o pinagmumulan ng salapi.

Kaya kailangan ang pagdalo rito ng mga tao para may maghulog ng mga tithe, limos at iba pa para sa pangangailangan ng mga lider ng simbahan at simbahan mismo.

Masakit mang aminin, hindi mabubuhay ang mga lider ng simbahan at mismong simbahan sa dasal lamang.

At kung sa puro zoom mass at prayer na lang dadalo ang mga mananampalataya.

Prayer and money ang kailangan kaya dapat may Simbang Gabi na may mga taong dadalo.

Sa rami ng nakaiisip o feel magsimba o sumamba sa Kapaskuhan, kalakip na rin dito ang pabinyag at pakumpil.

Kahit papaano, magkakaroon ng kita ang mga lider ng simbahan para panggastos sa kanilang mga batayang pangangailangan mula sa pagkain, edukasyon ng mga anak, kasuotan, magandang kalusugan hanggang sa mga kuryente, tubig at iba pa, lalo na kung na-COVID-19 sila na napakamahal, kasama ang nasa P100,000 na cremation kung minamalas sila.

O tara, mag-Simbang Gabi po tayo nang maranasan at maging buhay sa atin ang diwa ng Pasko.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here