ROBREDO NILINLANG ANG TAUMBAYAN

0
2

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

KAMAKAILAN lang po ay binatikos ng kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos si Vice President Leni Robredo dahil sa mali-mali pong naging pahayag nito kaugnay sa ‘papel’ ng Office of the Solicitor General (OSG) sa protestang elektoral laban sa kanyang umano’y malawakang pandaraya noong halalang 2016.

Ok.

Napag-alaman sa abogado at tagapagsalita ni Bongbong na si Atty.Vic Rodriguez na ‘annulment of elections’ at hindi raw ‘failure of elections’ ang hiniling ni Bongbong M. laban kay Gng. Robredo sa Supreme Court bilang Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sana all naiintindihan ninyo ito.

Ang sabi pa ni Atty. Rodriguez, “Bongbong never ask for declaration of failure of elections kasi nga po mayroon nang proclaimed candidate. Hindi na ‘yan ang tamang relief sa ilalim ng ating batas.”

So, siguro naman ay gets na ninyo yan, mga Leninian. He..he..he..he.

Ayon po kasi kay VP Robredo nang siya ay kapanayamin ng mga taga-media, nakasaad daw sa komentaryo ng Commission on Elections (Comelec) na hindi puwedeng magdeklara ng “failure  of elections” ang PET sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

Ayon  kay Atty. Rodriguez, tama raw ang pahayag na ‘yan pero hindi raw ‘yan ang aksyong hiniling ni Bongbong M. sa PET kundi ang annulment of elections.

‘Yun lang po ‘yun at wala nang iba pa.

Sa totoo lang, ang sabi ni Atty. Rodriguez,  nilinlang ni Leni at ang bumubuo ng LP (Liberal Party) ang taumbayan dahil talo sila sa Comelec at OSG comment na nagsasabing may jurisdiction at sole authority ang PET na dinggin ang third cause of action sa electoral protest ni Bongbong M.

Bukod pa roon, binira rin ang akusasyon ni Robredo na ginamit ni Solicitor General Jose Calida ang OSG nang idiin nitong “sole judge” ang PET sa protestang elektoral sa puwesto ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa batay sa itinatakda at ipinag-uutos ng Konstitusyon (talaga lang ah.)

Dagdag  pa ni Rodriguez, naglabas ng komento ang OSG na nilagdaan ni Calida at ng iba pang kasamahan nito sa OSG bilang pagtugon sa utos ni Associate Justice Marvic Leonen na maglabas ito ng komento kaugnay sa protetsta ni B. Marcos.

Alam n’yo ba, kung tutuusin ay hindi raw pabor ang kampo ni Bongbong Marcos na kinuha pa ni Leonen ang mga posisyon ng OSG at Comelec dahil lalo lang itong mag-aaksaya at magpapabagal sa takbo ng protesta ng kampo ni Bongbong M.

Sa totoo lang, alam mismo ni Leonen (dahil sa dekalidad na Justice siya) na ang Konstitusyon lang ang siyang magsasabi na ang Korte Suprema o PET ang nag-iisang korte  na mayroong kapangyarihan at sumasakop sa protestang eleektoral sa pagka-Pangulo  at pagka-Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

 ‘Yun lang ‘yun, Mrs. Leni Robredo. Hehehehe.

oOo

Anomang puna o reeklamo, i-text sa 0918929274764 o 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here