Robin binanatan ang MMFF

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Binatikos ni Robin Padilla ang screening committee ng Metro Manila Film Festival na aniya ay hindi raw nabubuhay sa katotohanan. Sa kanyang recent Instagram post, ayon kay Binoe ay masaya siya para sa mga pelikulang napili sa MMFF pero halatang dismayado siya sa aniya’y mga negosyante sa loob ng industriya ng pelikula.

“Malligaya ako sa mga napiling pelikula para sa darating na Metro Manila Film festival. Makakapanood na naman ng mga pelikula ang taongbayan ng mga obra ng magagaling na direktor at mga sikat na artista.
Nakaugalian na kasi natin na lumayo sa katotohanan ng buhay at mabuhay sa sarili nating mundo at magpanggap na maayos ang lahat

“Kailan kaya lalabas sa kanilang mga sariling mundo ang screening committee ng MMFF at magsimulang mabuhay sa katotohanan at maging hudyat para magamit ang kanilang kapangyarihan upang makapagmulat ng kanilang kababayan sa mga suliranin na dapat ay hinaharap at hindi tinatakbuhan o kinakatakutan.

“Kung nakikinig lamang at tunay na may paggalang sana ang mga screening committee na ito sa ating national artist na si kidlat tahimik marahil ay mabubuksan ang kanilang puso lalo ang kanilang kaluluwa at konsensya sa tunay na gamit sa paggawa ng Pelikula at kung paano ito magiging daan para mabuksan ang kaisipan ng taongbayan sa tunay na mukha ng buhay hindi sa mga maskara na idinikdik sa kanilang mga kaisipan ng mga Negosyante sa loob ng pelikulang pilipino,” ang pahayag ni Binoe.

He also emphasized na hindi raw lahat ng taga-pelikula ay kita lang ang habol.

“Mga kababayan hindi lahat ng nasa pelikula ay Kita sa takilya ang habol! katulad ng pangmumulat ng national artist na si kidlat tahimik
May mga film makers tayo na nabubuhay lamang sa pag ibig sa Bayan at pagmamahal sa kapwa tao at Pilipino.

“May mga taong hindi taga pelikula ang naniniwala sa kapangyarihan ng Pelikula na maghayag ng katotohanan kayat sila ay handang lumantad at mag alay ng buhay maisawalat lamang sa taongbayan kung ano ang katotohanan at kung ano ang kasinungalingan,” patuloy ni Binoe.

Dagdag pa niya, tila inililigaw daw tayo ng landas ng screening committee ng MMFF.

“Napakasakit isipin kung sino pa ang mga nasa pelikula sila pa ang pumipigil sa kapangyarihan ng pelikula na makapaghayag ng katotohanan at ng kasinungalingan. We have lost our ways my dear brothers and sisters in the screening committee,” saad niya.

Sa huli ay nagbigay siya ng mensahe sa MMFF screening committee at diretsahang sinabing new normal na pero old normal pa rin ang pinaiiral ng mga ito.

“Show business is not all about your shows and your businesses

“It is not always about your money, your profit and your awards.
Do not be an instrument of confusion nor distraction one way or the other you should use your gift for the benefit of the truth and change.
New normal na! Pati ang showing ng mga pelikula niyo sa MMFF pero ang style niyo old normal pa rin,” he concluded.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here