Rhian Ramos, mas bet ang disposable undie!

0
7

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Dahil sanay na sa lock-in taping ay alam na ng aktres na si Rhian Ramos ang saktong pangangailangan kapag mawawala siya ng ilang linggo sa kanyang bahay.

Kung matatandaan ay nakapag-lock in taping na si Rhian sa ‘Truly, Madly, Deadly.’

Ngayon naman ay nakatakda ulit siyang mag-lock-in taping para sa isa pang teleserye sa Kapuso network.

“Mas maganda siguro kung meron kang dalang sarili mong maliit na washing machine.

“Lalo ngayon, more than three weeks ‘yung lock-in taping namin so kahit magdala ka ng enough clothes, you’d still need to wash some of your private things na pwede mo na lang isampay sa loob ng iyong own bathroom to dry.”

At para iwas laba, damihan na lang daw ang dadalhing private things. Pwede ring magdala ng disposable undies.

Malamang, sanay na ring magsuot ng disposable undies si Rhian.

‘Yun na. Wally Peralta

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here