Residenteng malapit sa karagatan, inilikas na ng MDRRMO

0
3

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Bilang paghahanda ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa paghagupit ng bagyong Ulysses, pinalikas na ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang may 147 pamilya mula sa Isla Puting Bato, Baseco at Smokey Mountain.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ang naturang hakbang ay upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa posibleng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Aniya, kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers sa Brgy. 128 Bldg. 3, Bldg. 18, TCI (Tondo Community Initiatives) at Almario Elementary School ang nasabing mga pamilya.

Pinasalamatan naman ni Domagoso si MDRRMO Dir. Arnel Angeles gayundin si Manila Department of Social Welfare (MDSW) Dir. Re Fugoso hinggil sa ginawa nilang maayos ang pagpapalikas sa mga residente kung saan naipapatupad ang health protocols bunsod pa din ng kinakaharap na pandemya ng bansa.

Muling pinaalalahanan ni Domagoso ang mga Manilenyo na laging makinig sa anunsiyo ng lokal na pamahalaang lungsod at magdoble ingat lalo na ngayong panahon ng bagyo.   JAY Reyes

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here