Ravena iiwas mabaon TNT

0
3

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Smart Clark Giga City – Sa tuwing sumasampa sa Finals, hindi pa nalulubog sa 3-0 ang TNT.

Pero kung hindi makakapag-regroup ang Tropang Giga, malamang mabalaho sila pagkatapos ng Game 3 ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble ngayong Biyernes.

Nag-collapse sa endgame sa unang dalawang laro ang Tropa huli nang isuko ang 92-90 loss sa Ginebra noong Miyerkoles. Maski hindi sinalang si Ray Parks na may strained calf pumukpok pa rin ang TNT.

Ayon kay coach Bong Ravena, tabla na sana sa tig-isang laro ang best-of-seven series kung hindi sila nawala sa porma sa dulo. “Andu’n naman kami kahit wala siya. Lumalamang na nga kami,” giit niya. “It’s just that we have to finish strong.”

Tulad sa 100-94 overtime win sa opener, mas steady ang Gins sa endgame ng Game 2. Pinakawalan ni Scottie Thompson ang go-ahead corner 3 na nag-iisang basket niya sa laro, nilista ni LA Tenorio ang lahat ng 5 points niya sa stripe sa final 30 seconds. (Vladi Eduarte)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here