PSALM hinahabol Olongapo sa P6B utang

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Sinisingil ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSAM) ang pamahalaang lokal ng Olongapo City Government ng P6.7 bilyon para sa kuryenteng hindi nito binayaran sa loob ng mahigit 12 taon.

Ayon sa Department of Finance, pinadalhan na ng liham ni PSALM president at chief executive officer Irene Joy Besido-Garcia si Olongapo City mayor Rolen Paulino Jr. para sa utang ng lungsod na umabot na sa P6.7 bilyon hanggang noong Hulyo 31, 2020.

Nabatid na binigyan ang lungsod ng pitong araw mula sa pagkatanggap ng liham para bayaran ang utang kung ayaw nitong makaladkad sa korte.

Sabi ng DOF, ang sinisingil na P6.7 bilyong utang ay mahihimay sa mga sumusunod: P5.66 bilyon na bayarin sa kuryente kasama na ang value-added tax at interes; P813.8 milyon na default wholesale supplier arrangement charges kasama na ang interes at VAT; P230.7 milyong deferred accounting adjustment charges na may interes at VAT; at P8.7 milyong VAT sa automatic cost recovery mechanism true up.

Ayon sa DOF, unang pinadalhan ng final demand letter ang Olongapo City noong Mayo 2019. Noong panahong iyon, nasa P6.18 bilyon pa lamang ang utang nitong hindi binabayaran sa loob ng siyam na taon. Nagbayad ang Olongapo ng P20 milyon noong Hulyo at Disyembre ngunit malaki pa rin ang naiiwang utang.

Unang pinadalhan ng demand letter ang Olongapo City noong Abril 2012 kung saan ay nasa P3.58 bilyon pa lamang ang utang nito sa kuryente. (Eileen Mencias)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here