Credit: Read the original article from Remate.ph.

Manila, Philippines – Makibabahagi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa 37th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits kasama ang iba pang heads of state sa pamamagitan ng virtual conference mula Nobyembre 12 hanggang 15, 2020.
Tumatayong chairman ng annual summit ngayong taon ay ang Vietnam na may temang “Cohesive and Responsive ASEAN.”
Sa isang kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, nakasaad dito na inaasahan na makikipagpalitan ng pananaw si Pangulong Duterte sa kanyang mga counterparts sa rehiyon sa mga usapin na may kinalaman sa “Coronavirus Disease (COVID- 19) response and recovery efforts, future direction of ASEAN community building, and regional and international developments.”
Gayundin ay ilalahad ng Pangulo ang “advance Philippine positions on public health emergencies cooperation, regional economic integration, migrant workers’ rights, climate change, disaster risk reduction management, counter-terrorism, and the South China Sea issue.”
Mahigit sa 10 outcome documents ang inaasahan na ia-adopt habang idinaraos ang four-day summit na may kaugnayan sa “ASEAN cooperation on COVID-19, enhancing preparedness for public health emergencies, and updates on ASEAN community building efforts, among others.”
Nakatakda namang samahan si Pangulong Duterte ng ilan sa kanyang mga key Cabinet officials, kabilang na sina Secretaries of Foreign Affairs, Trade and Industry, and Social Welfare and Development.
Sinasabing, ito ang pangatlong virtual summit ng Pangulo kasama ang kanyang mga kapuwa ASEAN leader ngayong taon.
Ang una ay ang Special ASEAN Summit on COVID-19 na idinaos noong Abril at ang pangalawa naman ay ang 36th ASEAN Summit, na ang nagsilbing host ay ang Vietnam noong Hunyo. Kris Jose