Price freeze awtomatik sa Luzon – DTI

0
8

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Otomatiko ang price freeze sa buong Luzon matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

“Entire Luzon is now under price freeze,” saad ni Trade Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo.

Sa ilalim ng Section 6 of the Republic Act No. 7581 o ang Price Act na walang magiging paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin na maaaring ideklara lamang ng Pangulo.

Ito ay kapag:

  • Kapag ang lugar ay nasa state of calamity;

  • Kapag ang lugar ay nasa ilalim ng emergency;

  • Kapag suspendido ang writ of habeas corpus;

  • Kapag ang lugar ay nasa ilalim ng martial law;

  • Kapag ang lugar ay nasa estado ng rebelyon;

  • Kapag idineklara ang lugar sa state of war.

Ang mga pangunahing bilihin ay ang bigas, mais, tinapay, sariwa, tuyo, o de latang isda at iba pang produktong dagat, sariwang karne ng baboy, baka, manok, itlog, gatas, infant formulas, gulay, root crops, kape, asukal, mantika, askin, sabong panlaba, detergents, firewood, uling, kandila, at iba pang pangunahing bilihin na itinakda ng DTI at Department of Agriculture.

Ayon sa Price Act, “if the prevailing price of any basic necessity is excessive or unreasonable, the implementing agency may recommend to the President the imposition of a price ceiling for the sale of the basic necessity at a price other than its prevailing price.”

“Unless sooner lifted by the President, price control of basic necessities under this section shall remain effective for the duration of the condition that brought it about, but not for more than sixty (60) days. The terms ‘disaster’ and “‘calamity’ shall include those brought about by natural or man-made causes, whether local or foreign,” nakasaad sa batas.

Ang sinumang lalabag sa naturang batas ay maaaring mabilanggo ng isa hanggang sampung taon at multang aabot sa P5,000 hanggang P1,000,000 na naaayon sa desisyon ng korte.

Ito ay matapos irekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagdedeklara nito dahil sa pinsalang dulot ng mga nagdaang bagyo sa Luzon. RNT/ELM

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here