PRC nagdagdag ng rescue boats, trucks sa mga lugar na binaha

0
9

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Nagdagdag ang Philippine Red Cross ng karagdagang rescue equipment sa mga binahang lugar sa bansa, batay kay chairman Senator Richard Gordon.

“HELP IS ON THE WAY. Paparating na ang ating team mula sa Subic, Batangas at Manila sa Marikina at Rizal dala ang karagdagang rescue boats at trucks upang tumulong sa rescue operations sa mga bahang lugar,” saad ni Gordon sa Facebook post.

“Tayo ay may grupo ng rescuers na aakyat sa mga bubong upang masaklolo[han] ang mga na-stranded na pamilya.”

Sa naunang datos ng PRC, tinatayang 229 indibidwal mula Rizal na ang kanilang nailikas.

Nagpasalamat naman si Gordon sa PRC volunteers at staff sa pag-agapay sa naturang hakbang. RNT/FGDC

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here