Poirier babawian si McGregor

0
10

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

UNITED STATES – Nangako si dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier na babawian nito si Conor McGregor sa kanilang rematch na gagawin sa Abu Dhabi.

Ayon kay Poirier, gugulatin niya si McGregor dahil ibang Poirier ang kanyang makakaharap sa kanilang rematch kumpara sa Poirier na tinalo nito noong una nilang laban.

Nakatakdang magsagupa sina Poirier at dating UFC featherweight at lightweight world champion McGregor sa UFC 257 sa January 24 sa Flash Forum sa Yas Island, Abu Dhabi.

“He was obviously a great fighter in finishing a bunch of guys before me in his UFC career, but at this point we’re both so much more established and have so much more experience, just more mature fighters, and I think you get a completely different fight here,” ani Poirier.

“I was emotional in the first one. I wanted to hurt the guy. This time I just want to outsmart him, just want to beat him. This is business. This isn’t any ill will towards the guy. When I was younger, I used to fight with a lot of emotion,” dagdag pa nito.

Matatandaang unang nagsagupa sina Poirier at McGregor sa loob ng octagon noong 2014 kung saan nagwagi ang Irish superstar via first-round technical knockout.

Matapos matalo kay McGregor, namayagpag na si Poirier sa mga laban kung saan tinibag nito ang mga de-kalibreng fighter kagaya nina Anthony Pettis, Justin Gaethje, Eddie Alvarez, at Max Holloway.

Hindi naman umano personal ang laban ni Poirier kay McGregor bagkus dadalhin lang niya sa next level ang kanyang career.

“This isn’t about getting even for me. This isn’t like a revenge type of thing for me,” banat nito. “This is about moving my career forward, about putting my family in a better spot. It’s not trying to get back a guy who got me. This is just business.” Rico Navarro

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here