POEA website na-hack

0
7

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Na-hack ng grupong Phantom Troupe ang website ng Philippine Overseas Employment Agency at nagka-access ito sa mga sensitibong impormasyon ng mga overseas Filipino workers.

Hindi natakot ang Phantom Troupe sa banta ng Office of the Solicitor General na hahabulin sila matapos ma-hack ang OSG website.

“Hanggat hindi nagigising ang gobyerno sa kahinaan ng kanilang seguridad, hindi kami titigil,” banta ng Phantom Troupe.

Nagka-access ang mga hackers sa mga NBI at police clearance ng mga OFWs pati na mga kopya ng ID ng mga OFWs tulad ng passport kung saan nakalagay ang mga personal na impormasyon nila pati na mga medical certificates. Datos ng 2,199 na tao ang nakompromiso sa hacking.

Bukod sa passport, ang iba pang mga ID na nakuha ay ang professional regulatory commission ID at ang ID sa Maritime Industry Authority. (Eileen Mencias)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here