PhilHealth nagbayad muli ng P700M sa Red Cross

0
6

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Nagbayad muli ang Philippine Health Insurance Corporation ng P700 milyon sa Philippine Red Cross.

“Ang atin pong naibayad na sa kabuuan sa Red Cross ay P700 million. Lalabas po sa huling pronouncement ng Red Cross ang balanse pa natin ay mga P377 million pa,” saad ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña sa panayam ng Dobol B.

Nagpasalamat din sa Baleña sa PRC sa pagbabalik operasyon nito ng COVID-19 testing matapos ang paunang bayad nito.

Una nang sinabi ni PRC chairperson Senator Richard Gordon na madaling maubos ang pondo ng ahensya dahil sa dami nang pinoprosesong tests.

Aniya, mababaon umano lalo sa utang ang PhilHealth kung hindi babayaran ang balanse nito. RNT/ELM

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here