PH 3×3 squads handa na sa 2020 FIBA World Tour Doha Masters

0
5

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

DOHA, Qatar – Nagpahayag ang PH 3×3 squad na handa na sila sa kanilang gagawing pagsabak sa 2020 FIBA 3×3 World Tour Doha Masters.

Matatandaang dumating nitong Lunes ng umaga sa Qatar ang PH 3×3 squad na binubuo nina No. 1 Joshua Munzon, No. 2 Alvin Pasaol, No. 5 Troy Rike, at No. 6 Santi Santillan, para lumahok sa prestihiyosong torneo.

Umalis ang grupo nitong Linggo ng gabi dakong 11:30 p.m. sakay ng Qatar Airways flight QR929 at dumating sa Hamad International Airport sa ganap na 4:30 am ng Lunes.

Naging problema ang pag-alis ng koponan dahil dumating lamang ang kanilang mga visa anim na oras bago ang pagsakay sa eroplano.

Ayon sa ulat, lahat ng lalahok ay kinakailangang sumailalim sa mandatory room quarantine sa kanilang hotels at papayagan lamang makalabas kapag lumabas na ang resulta ng kanilang RT-PCR tests.

Ilang araw bago ang torneo, hindi pa nilalabas ng FIBA 3×3 ang groupings para sa tournament na may nakatayang $40,000 para sa champion team.

Kalahok sa torneo ang Liman at UB ng Serbia; Riga ng Latvia; NY Harlem and Princeton ng USA; Lausanne ng Switzerland; Jeddah at Riyadh ng Saudi Arabia; Kamakura at Yoyogi ng Japan; Bielefeld ng Germany; Utana ng Lithuania; at ang home team na Lusail.

“Born-ready kami. We’re confident naman eh dahil doon sa pinakita namin doon sa Calambubble. Sobrang laki nang in-improve ng team namin lalo na sa tiyaga,” ayon kay Pasaol.

“Hindi kami naiinip or nasisiraan man ng kumpiyansa dahil malakas ang kalaban. ‘Yun ‘yung pinakamaganda sa amin ngayon kasi ‘yun nga parang kalmado lang, hindi masyadong nagpa-panic, ‘yun ‘yung good side doon,” dagdag pa ni Pasaol.Rico Navarro

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here