PDu30 sa publiko: Programa ng DOH sa kontra polio, tigdas, rubella suportahan

0
28

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Tinawagan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga magulang at mga lider sa lokal na pamahalaan na suportahan ang immunization activity ng pamahalaan.

Ang panawagan ng Pangulo  ay kaugnay ng nagpapatuloy na  malawakang pagbabakuna kontra sa tigdas, rubella at  polio na pangungunahan ng Department of Health.

Giit ng Chief Executive  na kung may dapat man tayong matutuhan sa nararanasan ngayong pandemya ay ang mapagtanto ang kahalagahan ng pagbabakuna.

Aniya, anumang  banta sa pagkalat ng  communicable diseases gaya ng tigdas, polio at iba pa ay kailangang agad na matugunan na kaya namang gawin sa pamamagitan ng vaccination.

Sa ulat, sinimulan ang nationwide vaccination program ng gobyerno nitong Oktubre
26 at magtatapos na sa Nobyembre 26.

Sinasabing, puntirya ng isinasagawang pagbabakuna ang mga batang nasa edad lima pababa. Kris Jose

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here