PBA player na sumigaw ng “luto” pagmumultahin ng P100K

0
5

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

PAMPANGA – Tahasang binalaan ni PBA Commissioner Willie Marcial ang mga manlalaro na huwag magsalita ng “luto ang laro” at  ibigay ang respeto sa nagaganap na laban sa 2020 PBA Philippine Conference.

Ito’y kasunod nang kumakalat na video na mayroong sumisigaw na “luto ang laban” sa kasagsagan ng laro sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts kung saan nakuha ng Gins ang kalamangan 2-1 sa best of five semifinals series.

Nilinaw ni Marcial na matapos nilang reviewhin ang  video, wala umano silang narinig na sumigaw ng “luto,” patungkol sa mga tawag ng referee sa laro o pagbibigay pabor na tawag sa isang koponan.

Tinanong din Marcial ang mga game officials at referee ng nasabing laro at sinabing wala rin silang narinig na may sumigaw o nagreklamo ng “luto.”

Sinabi ni Marcial na ang sinumang mahuhuling magbanggit ng nasabing kataga habang naglalaro ay pagmumultahin ng ‘di bababa sa P100,000.Rico Navarro

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here