Pasaway na bus, sasampolan

0
2

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

NAGBABALA ang Lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga pampublikong transportasyon lalo na sa mga bus na hindi sila mangingiming suspendihin ang kanilang mga business permits kung makikita nila at mapapatunayang lumalabag sila sa mga health protocols.

Sa panayam sa Balitaan at Kumustahan ni Jon Ibanez sa Politiko Live, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na mas mahalaga ang kalusugan ng mga pasahero kaysa sa kita.

“We will revoke their permits if hindi masusunod ang health protocols,” sinabi ni Belmonte.

Kwento pa ng alkalde, sa kanyang pag-iikot ay nakita niyang sumusunod naman ang mga pampublikong transportasyon lalo na ang mga bus sa mga nasa Quezon City.

Kasabay nito, sinabi ni Belmonte na makikipagugnayan siya sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para bantayan ang mga pampublikong sasakyan, mga UV Express at mga jeep lalo na ang mga pampublikong bus na nanggagaling sa San Mateo, Rizal. (Kiko Cueto)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here