Palasyo sa publiko: Makiisa sa MMDA vs trapik sa EDSA

0
2

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Humirit ang Malakanyang at hiningi ang kooperasyon ng publiko sa mga ginagawang hakbangin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masolusyunan ang problema ng trapik sa kahabaan ng Epifanio Delo Santos Avenue (EDSA).

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry roque ay matapos na magreklamo ang ilang motorista sa ginawang pagsasara ng mmda sa mga u-turn slot sa edsa na nagresulta sa napakahabang trapik at  pagtaas ng konsumo ng gasolina o krudo ng mga sasakyan.

Kaya ang pakiusap ni Sec. Roque ay bigyan muna ng pagkakataon na masubukan ang mga pagbabagong ipinatutupad ng mmda sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Aniya, kung hindi naman kasi ito gagana ay siguradong  ititigil  ng MMDA ang implementasyon nito.

Sa kasalukuyan, nakasisiguro si Sec. Roque na nagsasagawa pa ng pag-aaral ang ahensya hinggil sa naging desisyon nitong isara ang mga u-turn slot sa EDSA. Kris Jose

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here