Pagtataguyod ng Department of Disaster oks kay Barbers

0
6

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Naniniwala ang isang mambabatas na kailangan magkaroon ng isang ahensya ng gobyerno na tututok sa mga kalamidad.

Ito ang pahayag ni  Surigao del Norte 2nd District Rep. Ace Barbers sa virtual forum ng Balitaan sa Maynila kaugnay sa panukalang magtayo ng magtayo ng ahensya o ang Department of Disaster.

Ayon kay Barbers, kailangan aniyang magkaroon ng direksyon tuwing may kalamidad sa bansa upang hindi nagtuturuan o nagsisisihan.

Aniya, alam natin na prone sa mga disaster ang ating bansa kaya dapat lamang aniya na magkaroon ng ahensya  na tututokan lamang ang mga disaster o kalamidad upang malaman ang mga hakbang na gagawin  kapag pumasok na ang kalamidad  lalo na kung ang magnitude ay bago  sa atin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here