Pagbabawas ng badyet ng SUCs, papalagan ni Recto

0
5

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Nagbabala si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na kanyang papalagan ang anumang pagtatangka na bawasan ang alinmang badyet ng State Universities and Colleges (SUCs) bagkus dapat pang dagdagan tulad ng Philippine General Hospital (PGH) ng University of the Philippines (UP).

Sa pahayag, sinabi ni Recto na walang SUCs na makaranas ng budget cut, dapat panatilihin ang ipinanukalang badyet at gagawin itong benchmarked bilang floor price, na ibig sabihin puwede pang dagdagan.

“Calls for academic freeze will not be met with a funding brake. The correct response is not to defund any, but to increase the funds of as many as possible,” aniya.

Inhalimbawa ni Recto ang PGH ng UP, na dapat dagdagang pa, an itinuturing na pambansang ospital na dapat nitong makuha.

“Its equipment lack is a pre-existing affliction which must be cured, pandemic or not. And so do the state colleges training our future doctors,” ayon sa mambabatas.

“In so far as the Senate is concerned, the unanimous consensus is that SUCs are no-cut zones, insofar as their NEP budget is concerned. They have been vaccinated against budget cuts,” dagdag ni Recto. Ernie Reyes

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here