P9M carrots, broccoli galing China pinuslit sa Subic

0
3

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Nasa P9.3 milyong halaga ng mga misdeclared na gulay ang nakumpiska ng Bureau of Customs-Port of Subic.

Noong Nobyembre 22, 2020 dumating sa Port of Subic mula sa China ang mga container na idineklarang mga frozen jam at naka-consign sa Zhenpin Consumer Goods Trading.

Pero nang dumaan ito sa pag-iinspeksyon ng Customs, Presidential Anti-Corruption Commission, National Bureau of Investigation at Subic Bay Metropolitan Authority ay nadiskubreng misdeclared ang mga kargamento at naglalaman pala ng mga carrot at broccoli.

Kinumpiska ang mga kargamento dahil sa paglabag sa Section 1113 ng “Customs Modernization & Tariff Act” at sa Department of Agriculture Circular No. 04 Series of 2006.

Tiniyak naman ni District Collector Maritess Martin sa mga stakeholder at publiko na ang Port of Subic ay mananatiling mapagbantay laban sa pagpasok ng mga smuggled good. (IS)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here