P3.44B pondo ng DICT sa ‘Digital Learners’ Project,’ ipinababalik ni Poe sa Senado

0
1

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Hiniling ni Senador Grace Poe sa Senado na ibalik ang tinapyas na P3.44 bilyong pondo ng Department of Information and Communication Technology (DICT) sa “Digital Learners’ Project’ na gagamitin ng estudyante at guro sa distant learning.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na umabot lamang sa P100 milyong itinira sa P3.44 bilyong panukalang badyet na ipambibili ng gadgets na gagamitin ng mag-aaral at guro sa pampublikong paaralan.

Sinabi ni Poe na posibleng solusyon ang Tech4ED ng DICT sa problemang kinahaharap ng sektor ng edukasyon sa gitna ng pandemya.

Layunin ng Tech4ED program na mag-set up ng learning centers upang magbigay ng digital employment at opurtunidad sa edukasyon para mahihirap.

Pero, sinabi Poe ba nakaranas din ito ng drastikong pagbabawas na mula sa orihinal na P363 milyon umabot na lamang sa P150 milyon sa susunod na taon

“Isa ito sa pinaka-kailangan ng taumbayan ngayon lalo na’t maraming nasalantang imprastruktura noong nakaraang bagyo at nawalan ng mga laptop, computer, at gadgets na kanilang kailangan sa pag-aaral at pagtatrabaho,” punto ni Poe.

Naghatid pa ng mas.maraming donasyon at tulong ang team ni Poe sa pamamagitan ng Panday Bayanihan Foundation sa pangunguna ng chairman at chief executive officer, Brian Poe Llamanzares.

Nagsagawa ang staff at volunteers ng foundation ng ilang ikot sa paghahatid ng relief goods sa  Brgy. Tañong in Marikina City at Brgy. Paltok sa Quezon City at nagsilbi ng hoy meals para sa biktima ng bagyo sa San Mateo at Montalban, Rizal.

Ayon kay Poe na hindi sapat ang.mga pagkilos na ito kaya dapay magpokus tayo sa build back better at magsimula sa pagsasagawa ng tamang pamuhunan para sa kinabukasan ng ating bansa.

“This is the time to start rebuilding, so let’s equip people with what they need to start over again after surviving the pandemic and consecutive calamities. Increasing the budget for DICT’s programs would not only help those struggling with distance learning brought about by the pandemic, but would also be essential to people in areas that were directly hit by the recent typhoon that destroyed schools and classrooms in its wake.” Ernie Reyes

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here