P131M ayuda naipamahagi sa mga napinsala ni Ulysses

0
7

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development ang nasa P131 milyong tulong para sa mga napinsala ng bagyong Ulysses.

Batay kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, sa pamamagitan ito ng family food packs at non-food items na ibinahagi sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Cordilleras, at Metro Manila.

“Likewise for the provision of psycho-social support to help our internally displaced persons cope with the trauma brought about by the typhoon,” aniya sa isang panayam.

Maaalalang isinailalim ni President Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa state of calamity makaraang manalasa ang magkasunod na bagyo. RNT/FGDC

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here