P10K teaching allowance ng guro, aprubado sa Senado

0
9

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Inaprubahan ng Senador sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukalang batas nitong Lunes na magtatakda ng P10,000 teaching allowance sa lahat ng guro sa pampublikong paaralan na magsisimula sa susunod na taon.

Sa pahayag, sinabi ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., umabot sa 22 ang affirmative vote, walang negative votes at abstention kaya nakalusot ang Senate Bill No. 1092 o Teaching Supplies Allowance Act of 2020 na kapag naisabatas, mabibiyayaan dito ang mahigit 800,000 titser.

Pawang substitute bill ang SBN 1092 sa ilalim ng Committee Report No. 14 mula   SBN 42 niby Senate President Pro-Tempore Ralph Recto; SBN 75 ni Revilla; at, SBN 957 na inihain ni Sen. Sonny Angara.

Sa ilalim ng panukala, makakakuha ang classroom teacher ng P5,000 para sa school year 2021 – 2022 at 2022 to 2023. Itataas ito sa P7,500 para sa school year 2023-2024 at P10,000 sa 2024 -2025 at kada taon na.

Sinabi ni Revilla na hindi kakayanin ng pamahalaan ang drastic increase dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

Aniya, si Senate Minority Leader Franklin Drilon, na pawang co-author ng panukala ang naghain ng amendment na gawin nang paunti-unti ang pagtaas upang makayanan ng pamahalaana ng dagdag na gastusin.

“To make the measure responsive to the needs of the teachers, the bill mandates the Department of Education (DepEd) to conduct a periodic review and recommend the necessary increase based on the current prices of the materials,” ayon kay Revilla.

“The bill also provides that “the amount necessary for the grant of teaching supplies allowance per teacher shall be charged against the appropriations of the DepEd under the General Appropriations Act (GAA),” paliwanag pa ni Revilla.

Umaasa si Revilla na pagtitibayin ng Mababang Kapulungan ang bersiyon n g Senado at kaagad malagdaan ng Pangulo sa kabila ng problema sa pondo sanhi ng pandemya.

Sa ngayon,  umaabot sa P3,500 o P16 kada araw ang natatanggap ng guro kada taon sa allowance. Ernie Reyes

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here