Home News `Night market’ sa Baguio bubuksan

`Night market’ sa Baguio bubuksan

0
3

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Papayagan nang muli ng Baguio City local government unit (LGU) na magbukas ang `night market’ ngayong linggo ngunit kailangang sumunod sa bagong patakaran at sticker system alinsunod sa mga health at safety protocol.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, tiniyak na magkakaroon ng balancing economic activity at pagsunod sa mga alituntunin para masiguro ang public safety ngayong panahon ng pandemic.

“Hopefully this week ma-open ko na rin ang night market and definitely everyone going there will have to wear mask and shield. Pag-uusapan namin ulit ngayon kung paano yung pinaka-effective na scheme, na concept para ma-maintain natin ang social distancing,” ani Magalong.

Aniya, mababawasan ng 30 percent ang bilang ng mga stalls mula sa original na 1,067 stall sa kahabaan ng Harison Road sa nasabing siyudad. (Allan Bergonia)

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here