Negosyante nirapido sa harap ng ka-meeting

0
3

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Pinagbabaril at napatay ang isang negosyante ng kanyang ka-barangay habang nakikipag-meeting sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Sta Lucia, Quezon City, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Sam Samson Reyes, 31, may asawa, tubong Manaoag, Pangasinan at nakatira sa JP Rizal Street, Brgy. Sta Lucia, QC.

Agad namang nakatakas ang suspek na si Josenio Oreta @ Jun Jun-Neo, nasa hustong gulang.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ala-1:50 ng madaling araw nang mangyari ang pamamaril sa loob mismo ng bahay ng negosyante.

Sa imbestigasyon ni PSSg Alvin G Quisumbing, abala umano sa meeting ang biktima kasama ang mga kaibigang sina Mark, Hubert at Jerome nang dumating ang suspek at pagbabarilin ang negosyante saka mabilis na tumakas.

Naisugod pa ito sa FEU hospital subalit idineklara nang dead-on-arrival.

Masusing iniimbestigahan ang motibo ng tinutugis ngayong suspek. (Dolly B. Cabreza)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here