Namaril na pulis kinasuhan ng murder

0
6

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Sinampahan na ng kasong murder sa Manila Prosecutors Office ang isang pulis-Maynila na bumaril at nakapatay at malubhang nakasugat sa isa pa noong Nobyembre 20 sa Tondo, Maynila

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Director PBGen Rolando Miranda na nanatiling nakadetine sa MPD-homicide section, ang suspek na si Pat. Alvin Santos, naka-assign sa MPD-Police Station 12.

Ayon kay Miranda, pinaimbestigahan niya si Santos at nalaman na may history ito ng pagkabayolente kapag nalalasing.

Matatandaan na idineklarang dead on arrival sa Tondo General Hospital si Joseph Marga Y Caballegan, 32 , elevator installer, ng Tondo dahil sa tama ng mga bala sa katawan.

Kritikal naman ang kasama nitong si Mark Lester Quinones, 28.

Sumuko naman si Santos at ikinatwiran na nagkasagutan sila ng biktima matapos siyang sitahin sa nakabalagbag na motorsiklo. (Juliet de Loza-Cudia)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here