Nakipagratratan, 2 sa gun-for-hire timbuwang

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Kapwa nasawi ang dalawang hinihinalang gun for hire nang makipagbarilan sa mga pulis noong Huwebes ng gabi sa Brgy. Sto. Tomas, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Colonel Marvin Joe Saro, OIC provincial director, ang mga napaslang na sina Alyas Bong at Bigboy na umano’y mga notoryosong gun-for-hire personalities ay nag-ooperate sa Nueva Ecija at karatig lalawigan.

Napasabak ang mga napaslang sa tropang pinamunuan ni Police Captain Ronan James Eblahan ng Lupao police at nakunan ang mga ito ng mga gamit na dalawang caliber 45 pistol.

Narekober sa encounter site ang isang SUV na walang plaka at isa pang motorsiklo na wala ring plaka. (Jojo De Guzman)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here