MGA PERSONAL BELONGING NG UP PROF NATAGPUAN NA

0
2

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

ANG abogadong propesor  sa University of the Philippines (UP) na si Atty. Ryan Oliva  hanggang ngayon po ay hindi pa rin nakikita simula pa nang mawala ito noong Sabado, November 21, 2020.

Hanggang ngayon ay wala pa ring lead ang mga otoridad hinggil sa kinaroroonan ng nasabing profesor simula nang huli siyang nakita ng kanyang kapatid  noong Sabado ng gabi nang umalis siya sa kanilang bahay.

Hanggang ngayon ay ligaw pa rin ang mga otoridad kaugnay sa motibo ng pagkawala ng nasabing abogado dahil hanggang ngayon ay wala rin silang sapat na lead na mag-uugnay sa pagkawala ng nasabing biktima.

Datapwat ang ilang nawawalang gamit ng abogadong profesor ay natagpuan sa tabing dagat ng Brgy. Balikyas sa bayan ng Looc, Occidental Mindoro, ayon sa pulisya.

Nakita sa tabing dagat ang grey backpack ni Oliva na naglalaman ng iba’t ibang mahahalagang item na natagpuan ng isang residente sa nasabing lugar dakong alas-6 ng umaga.

Ayon sa pulisya, bagama’t hindi nakita ang abogadong profesor sa lugar, naglalaman naman daw ang bag ng iba’t ibang pagkakakilanlan ng nawawalang biktimang si Oliva.

Ang punto lang po natin dito, mga parekoy, tila mukhang mabagal ang usad ng ginagawang imbestigasyon ng ating kapulisan sa pagkawala o kaya sa kinaroroonan ng nasabing biktima.

Dahil wala silang maipakita sa pamilya ng nawawalang UP professor na katunayan na ‘ in the bag’ ang kanilang ginagawang pagtatrabaho sa pagkawala ng nasabing UP profesor.

Aba’y halos siyam na araw nang nawawala ang biktima na hanggang ngayon ay ni isang kulangot o  lead na makapagtuturo sa kinaroroonan ng biktima ay walang maipakita ang mga otoridad sa pamilya ng nawawala.

Anong klase kayong mga alagad ng batas?

Hindi ninyo maproteksyunan ang buhay ng  mamamayan sa mga dumarating na pangyayari sa oras-oras sa bawat sulok ng kalsada ganu’ng ang taumbayan ang nagpapasahod sa inyo.

E, gusto ninyo yata puro na lang kayo nasa presinto, aba’y, magtarabaho naman kayo at mahiya naman kayo!

Bakitttt?

E, ang lagay e ganon-ganon na lang?

Alalahanin ninyo, sa mga kamay ninyong kapulisan nakasalalay ang buhay at kaligtasan ng bawat mamamayan dahil kayo ang sinasabing tagapagtanggol ng taumbayan sa oras ng mga kagipitan.

Ang misteryosong pagkawala ni Oliva ay nagsisilbing palaisipan.

Mantakin ninyo, buti pa nga ‘yung ilang personal belongings ng nasabing biktima ay natagpuan pero ‘yung mismong si Oliva hanggang ngayon ay palaisipan pa rin.

Aba’y kumilos naman kayooo, baka maunahan pa kayo ng mga pagong sa bagal ninyong kumilossssss!

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189247464,09266719269 o i-mail sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here