Mga PBA player balik Gilas – Marcial

0
20

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Ire-recall ang mga PBA star para magsuot ng national colors at maglaro sa susunod na window ng 2021 FIBA Asian Cup Qualifiers sa February.

Final window ng Qualifiers sa Feb. 18-22, hosts ang Pilipinas ng mga laro sa Group A.

Bubble-style rin ang mga laro na gaganapin sa Clark. Tagumpay ang PBA bubble sa Pampanga, natapos nang walang aberya ang Philippine Cup na pinagkampeonan ng Ginebra noong Dec. 9.

Nagpasabi na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. sa PBA kung puwedeng mahiram ulit ang players ng liga.

Maliban sa limang nasa Gilas pool, puro collegiate players o mga bagong graduate ang bumuo sa National team na isinabak sa huling window sa Bahrain noong November. Dalawang beses tinalo ng mga Pilipino ang Thais.

“Sinabihan kami ni (SBP) president Al Panlilio kung puwedeng gumamit ng PBA players,” pahayag ni commissioner Willie Marcial Biyernes. “Pinapayagan naman, kaya inusog na namin ‘yung opening.”

Sa April 9 na ang plano na umpisahan ang Season 46, kasabay sa anniversary ng liga.

Kukumpirmahin pa ng FIBA ang eksaktong schedule ng games sa final window.

Pinahiram ng pro league sa SBPI sa first round nitong February 23 nang tambakan ng Gilas ang Indonesia sa Jakarta, 100-70, sina RR Pogoy, CJ Perez, Justin Chua, Kiefer Ravena, Poy Erram, Abu Tratter, at Troy Rosario. (Vladi Eduarte)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here