Mga bakwit ‘di lahat mate-test; Mga may sintomas ng COVID-19, prayoridad – Vergeire

0
6

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Hindi lahat maite-test sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga residenteng nasa evacuation center ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Hindi naman po natin sinasabi na mate-test lahat. Ang pinakaimportante ay matest natin ‘yung mga may sintomas sa loob ng evacuation center. Ito po ‘yung ating priority sa ngayon,” saad ni Vergeire sa panayam ng Unang Hirit.

Ayon pa dito na malaki ang tyansa ng hawahan sa mga evacuation center.

“Hindi naman po natin maikakaila na there’s really a risk of this increased transmission kung saka-sakali because of the situation,” aniya.

“Kaya nga po tayo ay nagpapatupad na dapat lahat ng evacuation centers ay merong safety officers para nade-detect natin agad kung sino ang may sintomas at matanggal natin doon sa kabuuan para hindi po sila makapanghawa,” dagdag ng Health Undersecretary.

Sinabi rin ni presidential spokesperson Harry Roque na sasailalim sa antigen test ang mga bakwit upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ngunit aniya, hindi sigurado kung mate-test ang lahat.

Giit pa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na malaking hamon ang magsagawa ng COVID-19 test sa mga bakwit.

Inirekomenda ni Lorenzana ang striktong pagmo-monitor sa evacuees na magpapakita ng sintomas.

Sa kasalukuyan, wala pang naiiulat na hawahan sa mga evacuation center. RNT/ELM

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here