MAYOR TIANGCO UMAPELA SA NAGPAPAKALAT NG MALING IMPORMASYON SA COVID-19

0
3

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

UMAAPELA itong si Navotas Mayor Toby Tiangco sa mga taong walang magawang matino sa buhay dahil sa kanilang pagkakalat ng mga maling impormasyon na walang maidudulot na kabutihan tungkol sa COVID-19.

Aniya, nakarating sa kanyang kaalaman na may posts at videos na kumakalat na wala na raw Covid-19 at hindi na kailangan pang magsuot ng face mask at mag-social distancing.

“May nagsasabi pang gawa-gawa lang ang pandemya. Siguro naman po hindi tayo maghihirap nang napakatagal kung fake news lang ang COVID-19. Walang pamilyang nagluluksa dahil namatayan ng mahal sa buhay. Walang nawalan ng trabaho, pati na ng kalayaang lumabas.”

“Itama po natin ang mga nagpapalakat ng maling impormasyon. ‘Wag nating maliitin o ipagsawalang-bahala ang sakit na ito. Manatiling maingat at alagaan ang sarili at kapwa,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon pa sa kanya, bumaba na sa 3% ang positivity rate sa lungsod noong pagpasok ng Oktubre ngunit sa pagsasara ng buwan, umabot ito muli sa 11% pero sa huling linggo o mula October 28-November 3 ay bumaba naman ito sa 6%.

“Sa ngayon na wala pang bakuna na makapagbibigay sa atin ng proteksyon sa virus. Tayo lamang ang makasisiguro ng ating kaligtasan. Palagiang sundin ang safety measures at panatilihing malusog ang katawan,” ani Mayor Toby.

House bills ni Cong. JRT, pro-people at pro-poor

Marami na ring naipanukala sa sa Mababang Kapulungan itong si Navotas Rep. John Rey Tiangco at naisabatas na pero may bago siyang House bills na kapansin-pansing ang mga ito’y nakatuon sa interes ng mamamayan, lalo tungkol sa kanilang health care, ika nga.

Nand’yan ang HB 6669 o “Telemedicine Act”, HB 5477 o “Malasakit Program Act”, HB 6756 o “Medical Scholarship and Return Service Program Act”, HB 6803 o “Comprehensive Renal Therapy Act” at HB 7320 o “Blood Type Identification Act.”

Kitang- kita at damang-dama po natin lalo na sa mga panahong ito ang halaga ng health care dahil sa Covid-19, ngunit kung babalikan po natin ang kasaysayan, makikita po natin na kasama sa pagbabago ng panahon ang pagsulpot ng mga panibagong sakit na hahamon sa sangkatauhan, ani Cong. JRT.

“Kaya naman po ang kahalagahan ng pagpapalakas sa mga institusyon na poprotekta sa kalusugan ng bawat Filipino ay isa sa aking prayoridad bilang Kinatawan ng Navotas,” dagdag pa nito.

Libreng bikes sa kwalipikadong taga-lungsod patuloy na pinamimigay

Sa kalagitnaan ng pandemya, walang patid sa pagbibigay ng libreng bisikleta linggo-linggo itong si Cong. JRT at siyempre para lamang doon sa mga deserving at marami-rami na rin sila.

Ngayong linggo, ang nais naman ni Cong. JRT na mapagkalooban ng bike ay mga Navoteñong may tunay na malasakit sa komunidad.

Kaya lang dapat masagot ng tumpak ang ‘Papadyak Ni JRT’ question of the week: “Kapag nanalo ka ng bike, papaano ka makatutulong sa ating komunidad?”

“Mabuhay po ang lahat ng mga Navoteñong may tunay na malasakit sa ating siyudad at komunidad!” ani Cong. JRT.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here