Matteo ‘di kilala si Hajji

0
4

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

NI: ARCHIE LIAO

Naging tampulan ng pangangantiyaw si Matteo Guidicelli ng kanyang co-judges na sina Aga Muhlach, Cristine Reyes at Kim Molina . Ito’y kaugnay ng pagge-guest ng original na Kilabot ng mga Kolehiya na si Hajji Alejandro sa mystery singing show na “The Masked Singer” sa TV5.

Sa halip na tawagin ang “Panakip Butas” singer sa kanyang tamang pangalan, tinawag niya itong Pajji na ikinorek naman agad ni Aga.

Dahil tila hindi kilala ng aktor at hindi pamilyar sa kanyang mga kanta, pinayuhan ni Hajji na i-google na lamang siya at tanungin ang kanyang mga komposisyon sa kanyang mommy.

Nag-react din ang kibitzers dahil anila, kung naroon ang misis nitong si Sarah Geronimo ay baka manliit ito dahil sa pagiging ignoramus nito sa legendary singer.

Sey pa nila, since singing contest ang sinalihan ni Matteo bilang judge, dapat magresearch-research din daw ito pag may time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here