Mag-asawang Tiamzon pinasusuko ni Ano

0
2

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Tiniyak ni Interior Secretary Eduardo Año na nasa bansa pa sina Benito Tiamzon at ang misis na si Wilma kaya pinayuhan niyang sumuko na matapos hatulan nang 40 taong pagkabilanggo ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

“Ang info wala sila sa ibang bansa. Namo-monitor naman natin kaya mabuti pa mag surrender na sila,” giit ni Año.

Inatasan na rin ng kalihim ang Philippine National Police na pag-ibayuhin ang ‘manhunt operation’ laban sa mag-asawang Tiamzon at harapin ang hatol ng korte.

Nabatid na halos ilang taon ding nagtago ang dalawa bago naaresto sa Barangay Zaragoza, Cebu City noong March 2014.

Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, inatasan ni Presiding Judge Alfonso Ruiz II ng Quezon City Regional Trial Court Branch 216 na magbayad sila ng P75,000 moral damages, P75,000 civil indemnity at P75,000 bilang exemplary damages sa complainant na si Lt. Claro Casis.

Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y pagdukot kina Army Lts. Clarito Santos, Oscar Singson, Rommel Salamanca, at Abraham Claro Casis ng AFP at Sgt. John Jacob ng Philippine Narcotics Command sa Quezon province noong June 1, 1988. Sila ay itinago ng mga abductors ng 75 araw sa Mauban, Quezon. (Dolly Cabreza)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here