Lider sa Japan golf : Saso nagliyab

0
3

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Nagliyab si Yuka Saso sa pagbira ng dalawang birdie sa front at apat na sunod pa buhat sa 10th pa-bogey free six-under 65 upang humanay sa triple-tie sa top spot at three-stroke lead sa 39th Daio Paper Elleair Ladies Open opening round sa Elleair Golf Club Matsuyama sa Ehime Prefecture, Japan Huwebes ng hapon.

Umakbay ang 19-year-old Fil-Japanese at top Philippine pro kina locals Yuna Nishimura at Ayaka Furue sa gigil na bumawi sa pagsablay sa cut sa nakaraang linggong Itoen Ladies tournament.

Ang magarang simula ng San Ildefonso, Bulacan native at ICTSI rookie sa ¥100M championship na penultimate leg na pinaigsi ng Covid-19 na 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, ang indikasyon na maari niyang sundan ang mga nakopoong korona sa NEW Karuizawa at Nitori ladies noong Agosto.

Ang magarang 33-32 niya course ang pinaglaruan din niya sa 2019 Japan Women’s Amateur Open na rito’y tumapos siyang ika-26 na puwesto.

“Pero summer last year ‘yun kaya magkaiba ang lagay ng course makitid ang fairways,” komento ni Saso, na sumegunda kay Shin Jie ng South Korea sa Toto Classic dalawang linggo na ang nakalilipas tapos ma-cut sa mas unang linggo na Mitsubuzhi Electric.(Ramil Cruz)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here