LEBEL NG ANGAT DAM LAMPAS PA RIN SA 212 NHWL

0
1

Credit: Read the original article from Remate.ph.

LUMAMPAS na sa 212 normal high water level (NHWL) ang lebel ng tubig ng Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.

Base sa NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL (NDRRMC), noong ika-4 ng Disyembre, bandang alas-8 ng umaga, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nasa 213.38 meters.

Kailangan pa rin ang pagtitipid sa paggamit ng tubig kahit na naabot na natin ang end of the year target na 212 meters.

Ayon kay Dr. Sevillo D. David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board NWRB, ang paglalaan ng tubig sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), para sa buwan ng Disyembre ay itinaas na sa 46 metro kubiko bawat segundo (CMS) habang ang National Irrigation Administration (NIA), ay tatanggap ng 35 CMS.

Magandang balita sa mga nasa Metropolitan Manila at mga kalapit na lalawigan ng Bulacan, Rizal at Cavite na siyang mga pinaglilingkuran ng dalawang water concessionaires na Manila Water Company at Maynilad Water Services. .

Ibig sabihin nito, tuloy-tuloy ang pagdaloy ng tubig sa mga kabahayan at ospital na nangangailangan sa malinis na tubig maliban na lamang kung may ginagawang pagsasaayos sa mga tubo na isinasabay ngayon ng water companies.

Ang panawagan ni Executive Director David, “kahit na itinaas na ang alokasyon ng tubig, patuloy ang panawagan ng NWRB, suportahan ang aming pagsisikap sa pagpapanatili ng tubig sa Angat Dam at kung papaano makatipid, hinihikayat namin ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig, upang may magamit sa panahon ng tag-init at maging sa kabuuan ng taong 2021.”

SRI LANKAN AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES BUMISITA SA DOLE

Bumisita ang Sri Lankan Ambassador to the Philippines na si Shobini Gunasekera sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Central Office sa Intramuros, Manila noong Disyembre 4, 2020.

Sinalubong at tinanggap ni Secretary Silvestre Bello III si Sri Lankan Ambassador Gunasekera.

 

 

Habang nagbigay ng courtesy call, pinag-usapan ng mga opisyal ang usapin ukol sa sektor ng paggawa at kung anong maitutulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at inaalam ni Kalihim Bello ang kalagayan ng mga manggagawa na nasa kanilang bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here