Klase sa Maynila bukas suspendido na

0
4

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Sinuspinde na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang lahat ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan bukas sa lungsod ng Maynila dulot na din ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Domagoso, sakaling walang importanteng pupuntahan ay manatili na lamang sa loob ng inyong bahay.

Samantala, pansamantala naman na isasara ang drive-thru COVID-19 serology testing site sa Quirino Grandstand simula Huwebes, ika-12 ng Nobyembre, bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaang lungsod sa Bagyong Ulysses.

Ang pansamantalang pagtigil operasyon ng drive-thru testing center ay upang patuloy na matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng banta ng Typhoon Ulysses.

Ayon sa ulat ng PAGASA, mayroon itong lakas ng hangin na 135 kph, bugso na 165 kph, at kumikilos sa bilis na 20kph.

Mahigpit naman ang paalala ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na patuloy na mag-ingat ang publiko sa lahat ng oras.  JAY Reyes

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here