Julie Anne San Jose, handa nang magmahal!

0
6

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines- Taon na rin ang nakalipas nang nakipagrelasyon si Julie Anne San Jose kay Benjamin Alves na nauwi sa hiwalayan blues.

Ilang buwan pa ang binilang ay nagkaroon ng bagong gf si Benjamin sa katauhan ng modelong si Chelsea Robato samantalang si Julie Anne ay waley hanggang ngayon.

Kaya sa pag-release ng kanyang bagong single na may pamagat na ‘Try Love Again,’ marami sa kanyang followers ang nag-isip kung ang bagong kanta ba ng kanilang idolo ay para sa sarili? Perfect na hugot song kasi ito para sa isang brokenhearted na tao at gustong sumubok na magmahal muli.

Ginawa nga ba ni Julie Anne ang kanta para sa sarili at muling buksan ang puso sa bagong karelasyon?

“Ang message ng song is lahat naman tayo, dumadaan sa mga hardships. Lahat naman tayo ay may mga heartaches na napagdadanaan.

“But if you open your heart again, you can try to love again and be open to possiblities kasi ang pagmamahal kasi is nandiyan lang naman sa paligid natin.

“So minsan kahit ‘di natin hinahanap, kusa na lang siyang dumarating sa ‘yo,” ani Julie Anne. Wally Peralta

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here