Jessy, Vilma, Luis inintriga sa 12.12.20

0
25

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Sabay na nag-post sa kani-kanilang Instagram account ang showbiz couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano last Thursday. Isang maikling video clip ang ipinost nila na makikitang nakasulat sa buhangin ang date na “12.12.20” which is ngayong araw.

Ang caption ni Jessy, “This Saturday” with heart emoji and hashtag “#thehowhows.”

Ang “howhows” ang tawag nina Jessy and Luis sa isa’t isa as a term of endearment.

Walang caption si Luis sa kanyang post at nilagyan lang ng hashtag na “#TheHowHows.”

Sa parehong post ay nag-react ang nanay ni Luis na si Vilma Santos ng thumb, praying hand and heart emoji.
May isa pang netizen na nagtanong kay ate Vi ng “are they getting married na po ba?”

Dalawa ang hula ng ng karamihan ng netizens sa nasabing post. It’s either announcement ng engagement or announcement ng wedding. Ang iba nga’y nagsisipagbati na ng “congratulations.”

“Either pre-nuptial/engagement announcement or wedding na. 😅 I noticed andun din glam team nya sa Amanpulo and the photographer. Either way, nakaka excite din for followers like me,” komento ng netizen.

May nagtatanong naman kung may “sale” rin ba ang magdyowa or baka naman daw Lazada or Shopee sale ito.

May nag-comment naman ng “business po ‘yan, launching sa 12.12.”

Well, abangan na lang natin kung ano itong 12.12.20 na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here