Impresibong home debut ni Thirdy sa San-En sinira ni Hashimoto

0
6

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

JAPAN – Sinira ni Takuya Hashimoto ang magandang home debut ni Thirdy Ravena matapos nitong pangunahan sa panalo ang Osaka Evessa para talunin ang San-En NeoPhoenix, 85-84, sa 2020-21 B.League sa Toyohashi City General Gymnasium.

Nalusutan ni Hashimoto ang depensa ni Ravena para maisalpak ang go-ahead layup sa harap ni Stevan Jelovac habang may natitira pang 3.9 seconds sa regulation para ipalasap sa NeoPhoenix ang kanilang pang-11 pagkatalo sa 13 laro.

Muling nagpa-impress si Ravena sa San-En nang pangunahan nito ang paghabol sa 13 points na tambak ng koponan bago pumasok sa fourth period.

Naging malaking bentahe ang energy ni Ravena sa NeoPhoenix kung saan nanguna ito sa 15-3 rally upang itabla ang laro sa 69-all habang may natitira pang 6:32 minuto para sa makapigil hiningang pagtatapos ng laro.

Kumamada si Ravena ng 18 points sa 3-sa-5 shooting sa 3-point region kasama ang limang rebounds at tatlong steal sa kanilang mapait na pagkatalo.

Nagpakita ng puso ang San-En sa laro kung saan hindi ito sumuko sa laban kahit tambak sila ng apat, 83-79, sa natitirang 1:43 minuto ng regulasyon.

Naibuslo ni Shingo Okada ang isang 3-points para sa San-En para lumamang ang koponan ng isang puntos, 84-83, bago ang ginawang mala-bayaning lay-up ni Hashimoto na nagpanalo sa Osaka.

May pagkakataon pa sana ang NeoPhoenix na ipanalo ang laban pero naibato ni Atsuya Ota ang bola sa kalaban sa inbounds pass na sumelyo sa panalo ng Evessa.

Nanguna si Kyle Hunt para sa San-En na may 28 points, eight rebounds, at two blocks habang natahimik si Jelovac sa laro na umiskor lang ang anim na puntos.

Mas magiging mahirap ang laban para sa San-En sa pagpalaot nito sa road games kung saan haharapin nila ang defending champion Alvark Tokyo sa dalawang road games sa Arena Tachikawa Tachihi.Rico Navarro

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here