Imbakan ng bakuna kontra COVID-19, sinigurong hi-tech private warehouse

0
26

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Kayang pangalagaan ng isang pribadong kumpanya na eksperto sa pagtatago ng mga bakuna ang mga aangkating COVID 19 vaccine ng gobyerno.

Tiniyak ni ORCA Cold Chain Solution President Yerik Cosiquien sa regular briefing sa Malakanyang  na puro robotics ang gumagalaw sa kanilang warehouse na matatagpuan sa Taguig.

Aniya, walang presensiya ng tao sa kanilang warehouse gayung ito kasi ang pinagmumulan ng kontaminasyon.

Fully robotic ani Cosiquien ang kanilang warehouse na aniyay pinaka- updated sa Asya at kayang magtago ng 1 daang milyong vials kung kaya’t sakali aniyang pagkatiwalaan silang mangalaga sa aangkating bakuna ng gobyerno ay kaya nila itong pangalagaan.

Samantala, maliban sa Taguig ay mayroon na rin silang ginagawang warehouse sa Cebu, Cagayan de Oro,  Pangasinan, Tarlac at Davao bilang bahagi ng expansion. Kris Jose

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here