Hindi marunong mag-coach! Paul George sinuka si Doc Rivers

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

RP

Binanatan ni Paul George ang kanyang dating coach na si Doc Rivers sa 2019-20 season, kung saan nabansagan pa siyang ‘Pandemic P’.

Sa panayam sa All The Smoke Podcast, sinabi ni George na talagang nahirapan siya dahil pinilit siya sa playing style na ayaw niyang laruin.

“Doc was trying to play me as a Ray Allen or a JJ Redick, all pin-downs. I can do it, but that ain’t my game. I need some flow, I need some mixes of some pick-and-roll, and post ups…That last season was hard,” ayon kay George.

Sa nagdaang season, madami ang umasa na tutungtong ang Clippers sa Western Conference Finals at makaharap ang LA Lakers, ngunit nabigo sa Denver Nuggets kahit pa nakaangat na ng 3-1 sa serye.

Sa ngayon ay tinanggal na si Rivers sa Clippers at si dating Cleveland Cavaliers coach Ty Lue na ang kanilang head tactician.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here