Gobyerno ng Cagayan sa COA:  ‘Di magastos pero naghanda sa bagyo

0
4

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Cagayan, Philippines – Handa ang pamahalaan ng Cagayan sa Bagyong Ulysses kahit hindi nagastos ang calamity fund ng probinsya.

“We were prepared from the very start. Totoo po na di ko pa nagagastos pero masinop po ako, hindi po ako gumagastos nang ganun ganun dahil sayang po ang pera kung gagamitin saan saan lang kahit di kailangan bibilhin,” lahad ni Governor Manuel Mamba sa panayam ng TeleRadyo.

“Walang kakayahan dahil hindi raw ako gumastos pa ng aking calamity fund. Binibigyan ko po ito ng direksyon kasi ito po ‘yung inaabuso. Ang sa akin po ang number 1 is ma-organize ang tao,” giit nito.

Ito ay matapos kwestiyunin ng Commission on Audit ang hindi nagastos na P57,151,770.82 para sa disaster fund mula noong Disyembre 31, 2019.

“Mas alam ko po ito kaysa sa COA. Sa totoo lang po, paano mo lalabanan ang buong probinsiya ma-underwater. Anong equipment ang gagamitin niyo dun?” depensa nito.

“Kumpleto naman kami ng boats, ang akin po is organize people so you could capacitate them, empower them. Kasi halos sabay-sabay po. Kaya ang sa akin more on organizing, capacitating or training people kung papaano marespond,” dagdag ng gobernador.

Samantala, batay sa ulat ng COA, na hindi pag-aari at hindi napapanatili ang mga kagamitan sa ilalim ng minimum standards for disaster preparedness ng isang lokal na pamahalaan.

“As a result, lives and properties of the Province’s constituents may be at greater risk,” saad ng COA.

Sumang-ayon naman ang gobyerno ng Cagayan na bumili ng mga nirekomendang kagamitan para sa mga susunod na taon. RNT/ELM

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here