Fernando sinisi na pinalubog Marikina, dumipensa

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Tinanggi ni Marikina Congressman Bayani Fernando ang pahayag ni Mayor Marcelino Teodoro na ang reklamasyon sa lupang pag-aari ng mambabatas malapit sa ilog, ang isa sa mga dahilan ng matinding pagbaha sa lungsod kasunod ng pananalasa ng bagyong ‘Ulysses’.

Sinabi ni Teodoro na ang pagtatambak sa ilog sa bahagi ng BF City na pagmamay-ari ni Fernando ang nagpakipot sa Marikina River kaya naman nahirapan ang pagdaloy ng tubig. Gayunman tugon ni Fernando hindi umano siya ang nagtatambak sa lugar, kundi bahagi umano ito ng flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na dike.

“Hindi ‘yan pinapalapad, nabawasan pa nga ng public works dahil minimintena ang kalaparan ng ilog na iyon na kinakailangan. Kaya nga sila ay pumasok pa doon sa aming pag-aari, road dike iyon eh, papunta ng Pasig. ‘Yun ang ginagawa nila sa buong ilog Marikina nilalagyan nila ng kalye magkabi-kabila,” sabi ni Fernando sa isang panayam.

Una nang nagpahayag ang DPWH na wala itong ginagawang reclamation project sa Marikina river at sa halip ay ginagawa nito ang Pasig-Marikina Flood Control Project, para malapawak at dredging ng ilog.

Pero giit ni Teodoro, ang makikinabang lang umano sa dike na ito ay lupang pag-aari ng mambabatas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here