EFFORT NG DEPED

0
2

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

HINDI na kailangan pang mag-intindi ng mga estudyanteng nasiraan ng module dulot ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo dahil nagpahayag na nga ang Department of Education o DepEd ng kahandaan upang palitan ang mga ito.

Isa ang module sa mahahalagang kagamitan ngayon ng mga mag-aaral at guro habang ipinatutupad ang blended learning sa bansa – hakbang upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa paaralan kung saan hindi kailangan ang pisikal na presensya upang makapagsagawa ng klase.

Magandang balita ito dahil paniguradong isa sa mga iniisip ng mga estudyante matapos dumaan ang bagyo sa kanilang lugar ay kung paano muling makababalik sa kanilang pag-aaral dahil batid nila ang halaga ng edukasyon para sa kanilang kinabukasan.

Ayon sa DepEd, maglalabas ng karagdang pondo ang ahensya para sa pag-imprenta ng mga nasirang module ng mga estudyanteng nasalanta ng bagyo, bagay na  nararapat lang namang gawin upang hindi na pasanin pa ng mga mag-aaral o ng mga guro ang gastusin para rito.

Kaugnay naman ng module, naglalabasan ang mga pagkakamali at batikos sa nilalaman nito na sa ating pagtingin ay dulot ng hindi centralized na paggawa nito at maaaring hindi nagkaroon ng mahigpit na quality check bago ang pag-imprenta ng mga module.

Nariyan ang body shaming kay Angel Locsin na sinong mag-aakalang mailalathala sa isang opisyal na kagamitan ng mga estudyante sa pag-aaral at mayroon pang katanungan na tila nagtatanim ng maling pang-unawa tungkol sa pagpapa-tattoo.

Bagama’t walang sinoman ang talagang nakapaghanda sa mga epekto ng COVID-19, sana naman ay sinigurado ng DepEd ang kalidad ng kanilang module bago mahawakan at gamitin ng mga estudyante nang sa gayon ay hindi nakokompromiso ang naaayong pagkatuto ng mga mag-aaral.

Siguro naman ay nagsasagawa na ng review ang Kagawaran ng Edukasyon sa mga naimprentang module upang hindi nagkakagulatan na nalalaman na lamang ang pagkakamali sa nilalaman nito kapag may nag-post na netizen at pinagkaguluhan na ng madla.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here